Sunday, September 25, 2016

Charmed

I was browsing some old files in my computer and came across the complete series of Charmed. Remember that show about three sister witches way back in the late 1990's to the middle of of 2000? I remember I was a freshmen in college when that show started. One of my favorite series way then. I miss the old care free days... awww...




Saturday, September 24, 2016

Pantene Commercial Parody

I was browsing YouTube earlier and found this Pantene commercial parody. Kahit na luma na, dami ko pa ring tawa. Just sharing. :)





Friday, September 23, 2016

Angelina and Brad Finished



Ah ok... so the papers were filed Sept. 19. I just only learned it now. A very good friend of mine said to me when I told him about Brangelina splitting up, "Gurl, buong mundo alam na yan. Huli ka nanaman sa balita." lol. Ang bilis kumilos ni Angelina ha... kalerkey si Madame.


And look who's getting the last laugh daw.


Mukhang matagal - tagal na discussion ito sa Hollywood. I wish all of them well... good entertainment though.

Sunday, September 18, 2016

Lady Gaga - Perfect Illusion (Audio)



Mother Monster is back with a new album... and her carrier song, Perfect Illusion. Personally, I like the song and the beat. What can you guys say?

Saturday, September 17, 2016

Ang Bakla at ang mga Purita

"Ay Bakla!!! Bakla o!!! Bakla!!!"

Sobrang absorb lang ako sa pagtingin ng mga pang organize ng kung ano ano na para sa kusina. Iniisip ko kung ano ang kailangan pang bilhin. Kailangan sigurong palitan na rin ang drainer ng mga plato sa sink kasi sobrang luma na. kailangan na rin ng mga bagong cotton towels na pamunas ng plato...

"Bakla!!!"

Duon ko lang napansin ang batang babae sa tabi ko. Siguro nasa edad 11 years old na. Abot langit ang mga ngisi dahil sa pangungutyang ibinato sa akin. Sa tabi niya ang kanyang ina, na deadma at patay malisya sa pinag gagawa ng kanyang anak, gayong kaming tatlo lang naman ang nandun sa aisle na yun ng grocery.

Ibinaling ko ulit ang pansin ko sa pamimili. Ano na nga ba ulit ang mga kailangan ko?

"Hoy bakla ka!!!" sigaw ng bata.

Hindi na ako nakapagpigil nun at tinignan ko ulit ang bata...

Sabay approach sa nanay niyang deadma.

"Ate pagsbihan niyo naman yung anak ninyo at medyo nakakabulabog na sa pamimili ko." ika ko sa nanay.

"Ha? wala namang ginagawang mali ang anak ko. Tsaka totoo naman na bakla ka diba?

Halos maloka ang beauty ko sa reply ng nanay. May mga ganito pa palang mga tao ngayon... walang breeding.

"Hoy, impaktang babae ka. Wala akong ginagawang masama sa inyong mag ina. Namimili ako ng maayos dito at wala akong ginagambala. Turuan mo ng mahusay yang anak mo dahil pag may mga taong hindi nakatansiya diyan sa kabastusan niyan eh baka masaktan pa siya!"

"At ikaw na bata ka, Bakla nga ako, Pero tignan mo ang diperensiya ko sa inyong magina, May pambili ako. Ikaw at yang impaktang nanay mo, mahirap at forever na magiging mahirap. Walang pambili, pweh!"

Sabay layas ang lola mo.

Alam kong mali ang ginawa ko, pero minsan kailangan din turuan ng leksyon ang mga ill-breed na mga puritang ito.

Tseh.

Wednesday, September 14, 2016

Bagong Araw

Nakaupo lang ako,,, tahimik,,, nakadungaw sa bintana habang umaandar ang bus. Malayo ang tingin.

Nagiisip... 

Sa tabi ko, ang taong pinakaminahal ko... ang taong pinag-alayan ko ng lahat ng walang hininging kapalit kung hindi kanyang pagmamahal lamang.

Ang taong inakala kong magbibigay ng kahulugan sa akin ng salitang "forever".

Ang taong dumurog ng puso ko... ng paulit - ulit, hanggang sa ako'y namanhid... napagod... nawalan ng pagmamahal at tiwala sa sarili.

Ang taong pinakaminahal ko...

Napansin kong siya'y nakikiramdam... walang imik... hinihintay na ako ang unang magbitiw ng mga salita.

Pero determinado akong walang bitawang kahit isang tunog man lamang.

Sa isip ko, kahit man lang sa huling araw ng aming pagkikita ay wala akong marinig na pagaaway, bagkos ay katahimikan lang.. 

Kinalabit niya ako, "O, bakit hindi ka umiimik?"

Tinignan ko siya panandalian, saka ko binaling ulit ang tingin ko sa bintana... sa kalayuan, sumilip na ang araw... marami na din taong nagaatubiling sumakay papasok ng kani-kanilang trabaho habang kami'y papauwi naman.

"Wala ka man lamang bang sasabihin hanggang sa bumaba na tayo?" tanong niya.

Tinignan ko siya ulit... "Nasabi ko na lahat sa iyo, Bruce".

"Talaga lang ha?", ang iritableng sagot niya.

"Siguro kung meron man, yun ay nanghihinayang ako sa oras na iginugol natin sa isa't isa." marahan kong sabi.

"Apat na taon na... Siguro naman tama na yun... Marami pa tayong pwedeng gawin, Marami pa tayong mapapakitaan at mababahagihan ng pagmamahal natin".

"Hindi ko maintindihan." sabi niya.

"Si Christian, mahal mo siya diba?" tanong ko.

Hindi siya umimik,

"Mahal mo siya, kahit na hindi mo sabihin, alam ko." 

"Sinasabi mong ako ang pinili mo, Pero paulit-ulit kang bumalik at bumabalik sa kanya... dalawang taon Bruce... dalawang taong paulit ulit kahit nuong nalaman niyo na alam ko na na may namamagitan sa inyo. Iisa lang ang ibig sabihin niyan, Mahal mo din siya." 

"Hindi niyo na kailangan magtago, Hindi mo na kailangang magsinungaling pa sa akin sa tuwing magkikita kayo," tugon ko.

"Pinapalaya na kita, Bruce. Malaya ka na."

Wala siyang salitang binitiwan. Tinignan lang niya ako, May mga luhang bumuo sa kanyang mga mata.

"O, Balara! Balara! Sa mga bababa diyan, Balara na!" sigaw ng konduktor.

Bumaba ako ng bus, walang lingunan. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, Ni katiting na galit o lungkot ay wala akong naramdaman. Bagkos, pakiramdam ko'y nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.

Malaya na din ako sa wakas.

Malaya sa mga luha at galit,.. malaya sa lungkot ng isang masakit na nakaraan.

----------------------------

Dalawang buwan ang lumipas ng may natangap akong text sa kanya. Pauwi na ako nuon galing ng trabaho at mataas na ang araw habang tinatahak ko ang daan pauwi sa aming bahay.

"Sorry... gusto kitang makita pero alam kong huli na. Nasa huli nga ang pagsisisi sabi nila. Malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala na sila sa iyo. Mahal pa rin kita, Hudson."

"Napatawad na kita, Bruce, pero tama ang sinabi mo, huli na ang lahat. Ang mainam nating gawin ay magpaalam na ng tuluyan sa isa't isa. Pasalamatan natin ang oras na ipinagkaloob Niya sa atin, kasi kahit papaano ay may natutunan tayo." ang reply ko.

Tinignan ko ang araw sa kalangitan...

Bagong araw.., bagong buhay.

Napangiti ako.

Tuesday, September 13, 2016

Hello my dear readers

I would like to say that I'm so sorry for not being able to post anything recently on our blog. I will be posting more soon.

Xoxo,
Hudzzz
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...