"Ay Bakla!!! Bakla o!!! Bakla!!!"
Sobrang absorb lang ako sa pagtingin ng mga pang organize ng kung ano ano na para sa kusina. Iniisip ko kung ano ang kailangan pang bilhin. Kailangan sigurong palitan na rin ang drainer ng mga plato sa sink kasi sobrang luma na. kailangan na rin ng mga bagong cotton towels na pamunas ng plato...
"Bakla!!!"
Duon ko lang napansin ang batang babae sa tabi ko. Siguro nasa edad 11 years old na. Abot langit ang mga ngisi dahil sa pangungutyang ibinato sa akin. Sa tabi niya ang kanyang ina, na deadma at patay malisya sa pinag gagawa ng kanyang anak, gayong kaming tatlo lang naman ang nandun sa aisle na yun ng grocery.
Ibinaling ko ulit ang pansin ko sa pamimili. Ano na nga ba ulit ang mga kailangan ko?
"Hoy bakla ka!!!" sigaw ng bata.
Hindi na ako nakapagpigil nun at tinignan ko ulit ang bata...
Sabay approach sa nanay niyang deadma.
"Ate pagsbihan niyo naman yung anak ninyo at medyo nakakabulabog na sa pamimili ko." ika ko sa nanay.
"Ha? wala namang ginagawang mali ang anak ko. Tsaka totoo naman na bakla ka diba?
Halos maloka ang beauty ko sa reply ng nanay. May mga ganito pa palang mga tao ngayon... walang breeding.
"Hoy, impaktang babae ka. Wala akong ginagawang masama sa inyong mag ina. Namimili ako ng maayos dito at wala akong ginagambala. Turuan mo ng mahusay yang anak mo dahil pag may mga taong hindi nakatansiya diyan sa kabastusan niyan eh baka masaktan pa siya!"
"At ikaw na bata ka, Bakla nga ako, Pero tignan mo ang diperensiya ko sa inyong magina, May pambili ako. Ikaw at yang impaktang nanay mo, mahirap at forever na magiging mahirap. Walang pambili, pweh!"
Sabay layas ang lola mo.
Alam kong mali ang ginawa ko, pero minsan kailangan din turuan ng leksyon ang mga ill-breed na mga puritang ito.
Tseh.
No comments:
Post a Comment